Home - Client Story
 
FeaturedArticle 
DLC FSA- Natatanging samahan mula sa Norte
 
Taong 1999 nang maitayo ang Isa sa pinakamatagal at pinakamatandang samahan ang DLC- FSA o mas kilala bilang Del Pilar, Libertad, Casala Financial Services Association, tatlong magkakalapit- barangay mula sa Ilagan, Isabela na nabuo sa tulong at suporta ng PLAN International at Access Basic Incorporated (ABI). Isa sa mga layunin ng samahan ang makatulong sa ka-barangay sa pamamagitan ng pagpapahiram ng maliit na halaga sa pagpapatakbo ng maliliit na negosyo at gastusing pambukid na may maliit na tubo o interes. Unti-unting lumawak ang samahan, lumaki ang sentro at dumami ang mga kliyente na siyang nagpatunay ng kagandahan at kaayusan ng pamamalakad nito. “Mayroon kaming pamamaraaan sa pagrecruit ng kliyente at pagbuo ng miyembro, mga kamag-anak at malalapit na kakilala ang unang miyembro. Lumawig ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng mga seminar na ibinigay namin, ani ni Julius Tenenan, kasalukuyang manager ng samahan. Karagdagan pa riyan, naiiba ang aming pagtanggap sa aming mga kliyente. Warm welcome ang bungad sa lahat ng nais magloan, in-eestima namin sila ng mabuti at talagang sakripisyo ang inaalay namin sa paniningil. Malalayong lugar ang nilalakad namin na halos abutin ng maghapong paglalakad at pagdating doon ay walang nakakapagbayad, sakripisyo talaga!” bulalas ni Ginang Carmelita Gallo, Cashier at Loan Monitory Officer.
 
 
 
Hindi naging madali para sa kanila ang pagbuo ng isang samahan lalo pa’t maraming balakid na sumubok sa kanilang kakayahan. “Noong una, hindi talaga naniniwala ang mga tao sa mga produkto at serbisyo namin. Inakalang peke at hinusgahan ang samahan, pero hindi kami natinag, hindi kami nagpadala. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin mapatunayan lamang na totoo ang hangarin naming tumulong at hindi upang manloko ng kapwa” bahagi ni Ginang Hilda Batag, DLC-FSA Chairperson.
 
 
 
Maituturing na biyaya ng samahan ang pagpasok ng ASKI taong 2002. Iba’t-ibang training ang ibinigay sa bawat miyembro gaya ng Business Planning, Financial Services at Financial Mangement Trainings. “Hindi lamang basta pagpapautang ang naitulong sa amin ng ASKI, hinubog nila kami bilang isang tunay na tao na siyang makapagpapaabot ng tulong sa iba. Nang sagipin kami ng ASKI, naging maayos at maganda ang takbo at pamamalakad sa DLC, kaya talagang biyaya ito para sa aming komunidad” masayang ibinahagi ni Susana Mariano, DLC-FSA Board of Trustees Secretary. Ang DLC-FSA ay may malaking tungkuling ginagampanan sa kanilang komunidad sa kasalukuyan. Nakapagbibigay tulong hindi lamang sa mga kliyenteng magsasaka at entrepreneur, nakapag-empleyo rin ng humigit-kumulang labinlimang katao sa komunidad. Sa pagpasok ng taong 2010, isa sa mga planong nais isakatuparan ng samahan ang pagpapalawig ng kanilang FSA sa iba pang karatig barangay. “Inisip naming magkaroon ng expansion sa ibang community ng sa gayon ay mas madali naming maabot ang ibang nangangailangan dito sa aming lugar” pagbibigay-diin ni Ginoong Tenenan. Higit na nakaaangat sa ibang FSA, dinarayo at pinagkakatiwalaan ng mga kliyente dahil sa maganda at sarili nitong building, naiibang serbisyo pang-kliyente gaya ng charity fund o damayan at higit sa lahat binubuo ng mga empleyado na may sapat na kakayahang magbigay serbisyo sa higit na nangangailangan at may karunungang taglay. “Patuloy kaming umaasa na maisasakatuparan ang lahat ng mitihiin namin para sa samahang ito, palalaguin at iingatan hanggang sa abot ng aming makakaya”
 
 
 
Back to top
 
 
Nov 26, 2012
ASKI wins in European Microfinance Award
Oct 16, 2012
ASKI bags Most Outstanding NGO Hall of Fame Award
Oct 8,2012
ASKI bags Most Outstanding NGO Hall of Fame Award
May 15, 2012
ASKI, PhilRice partnership on Integrated Rice-Based farming
December 06, 2011
S’pore OFWs finish financial education, entrepreneurship courses
December 06, 2011
ASKI gets vital certification
October 25, 2011
Luzon-based NGO bags national award
 
See all
 
 
Jan 31, 2013
Santiago Branch awards Ps.121, 320 MBA claim
Jan 31, 2013
Northern Philippine Academy (NPA) received books through ASKI
Nov 26, 2012
ASKI wins in European Microfinance Award
Sept 10, 2012
ASKI is newest ADFIAP’s member in the Philippines
April 3, 2012
ASKI, WTRC to open a community social enterprise
July 29, 2011
The Gift of Water”
July 22, 2011
DLC FSA- Natatanging samahan mula sa Norte
 
 
Join ASKI Marketing!
 
Nakaseguro ka na ba? Halina sa ASKI MBA!
 
 
 
 
2010 Alalay sa Kaunlaran (ASKI), Inc. All rights reserved