Ito ay isang non-stock, non-profit na Samahan na pag-aari at pinamamahalaan ng mga aktibong kasapi ng ASKI.
Oo, sapagka’t ito ay nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong June 21, 2006 at Insurance Commission (IC) noong October 6, 2006.
Ito ang mga ahensiya ng pamahalaan na sumusubaybay sa mga gawain ng MBA’s.
- May edad na 18 hanggang 60 taong gulang na aktibong kliyente ng ASKI sa ilalim ng mga programang microfinance (AKP, ILP, FSLP, ASA, Agri, Housing, ComDev atbp.) at iba pang programa ng ASKI.
- Nagbabayad ng kaukulang bayad-sapi at lingguhang kontribusyon
Mga Aktibong Kliyente:
- May hiram na puhunan sa ASKI at regular na nagbabayad nito; o kaya ay;
- May impok sa CBU na hindi bababa sa Php2,000 at patuloy na nag-iimpok dito.
Paano ang mga may idad mahigit 60 na?
Ang mga dating miyembro ng ASKI na mahigit ng 60 taong gulang subalit aktibo pa nang maitatag ang ASKI MBA, ay maaring ipagpatuloy ang kanilang pagiging kasapi sa Samahan hanggang bago sumapit ang kanilang ika-66 na taong gulang.
Ang KASAPI at ang mga sumusunod na lehitimong kaanak:
- Legal na asawa
- Unang tatlong (3) lehitimong anak , legal na ampon (may legal na papeles ng pag-ampon)
- May idad 90 hanggang wala pang 21 taong gulang
- Wala pang asawa
- Pagpapakamatay (suicide); Sinadyang pagpatay (provoked murder) ng dahil sa benepisyo;
- Sanggol na ipinanganak na patay (fetal death);
- Hindi nakabayad ng kaukulang kontribusyon sa ASKI MBA matapos ang 31 araw na palugit (grace period);
- Mga magulang ng kasapi;
- Mga anak na wala pang 21 taong gulang subalit may legal ng asawa;
- Mga legal na anak na 21 taong gulang o mahigit pa;
- Mga ampon na hindi legal ang pagkaka-ampon (sahod lampin).
Ang isang kasapi ay nakaseguro sa halagang Php120,000 (pagkamatay o pagkabaldado)
Upang mapanatiling mababa ang kontribusyon at mapangalagaan ang pondo ng Samahan, sa loob ng unang taon ng pagiging kasapi (1 year waiting period) o anim (6) na buwan mula sa petsa ng reinstatement (pagiging aktibong muli) ng isang kasapi, ang ASKI MBA ay walang pananagutan, maliban na lamang kung ang sanhi nito ay isang aksidente
Ang mga bagong kasapi ay sakop ng isang taong paghihintay o waiting period. Subalit ang mga kasapi na mahigit ng isang taong kliyente ng ASKI at dating nakaseguro sa programang micro-insurance nito ay hindi na sakop ng nasabing waiting period.
- DALAWANG LIBONG PISO (Php 2,000) kung bago sumapit ang ikatlong (3) buwan ng pagiging kasapi.
- LIMANG LIBONG PISO (Php 5,000) kung nangyari mula sa ikatlong (3) buwan hanggang bago sumapit ang isang (1) taon ng pagiging kasapi.
Ang aksidente ay isang pangyayari na may mali at hindi inaasahan o sinadya ang kaganapan.
- Banggaan ng magkasalubong/magkasunod na sasakyan o ng mga naglalakad sa magkabilang direksiyon ng daan
- Pagkasagasa
- Pagkadapurak ng isa o mahigit pang hayop (animal stampede)
- Pag-atake/pagkagat ng hayop (animal attack) na may dalang lason/venom/rabbies (Hal. aso, ahas, alakdan)
- Pagkadapurak ng tao sanhi ng stampede
- Pagkahulog ng tao (di sinasadyang pagbagsak)
- Maling pagbagsak mula sa pagtalon
- Pagkadulas
- Pagkatusok sa isang matulis o matalas na bagay
- Pagkalunod
- Pagkakuryente
- Pagkasunog
- Tinamaan ng kidlat
- Tinamaan ng nahulog na bagay o nabagsakan
- Tinamaan ng ligaw na bala
- Naputukan o nasabugan nang di sinasadya (paputok, baril, bomba, dinamita)
- Pagkalason nang di sinasadya
- Pagkabulunan (choked)
Tandaan: Ang bangungot ay hindi aksidente dahil ito ay sanhi ng sakit sa pale (pancreatitis).
BENEPISYO SA ASKI MBA’s LIFE INSURANCE PROGRAM sa Php 30.00 Lingguhang Kontribusyon |
TAGAL NG PAGIGING KASAPI |
SANHI NG PAGKAMA-TAY AT PAGKABAL-DADO (TPD) |
HALAGA NG BENEPISYONG MATATANGGAP |
KASAPI
(18 -< 66 TAON) |
ASAWA
(18 -<66 TAON) |
LEGAL NA ANAK |
EDAD |
HALAGA |
WALA PANG
3 BUWAN |
SAKIT / PAGKABAL-DADO |
2,000.00 |
WALA |
KAHIT ANONG EDAD |
WALA |
AKSIDENTE |
120,000.00 |
20,000.00 |
90 ARAW - <
1 TAONG GULANG |
2,000.00 |
1 TAONG GULANG O HIGIT PA |
10,000.00 |
3 BUWAN O MAHIGIT PA PERO HINDI AABOT NG 12 BUWAN |
SAKIT / PAGKABAL-DADO |
5,000.00 |
WALA |
KAHIT
ANONG EDAD |
WALA |
AKSIDENTE |
120,000.00 |
20,000.00 |
90 ARAW - <
1 TAONG GULANG |
2,000.00 |
1 TAONG GULANG O HIGIT PA |
10,000.00 |
12 O MAHIGIT PANG BUWAN |
SAKIT / PAGKABAL-DADO O AKSIDENTE |
120,000.00 |
20,000.00 |
90 ARAW - <
1 TAONG GULANG |
2,000.00 |
1 TAONG GULANG O HIGIT PA |
10,000.00 |
Paalaala : Ang benepisyong pagkabaldado ay para sa kasapi lamang. |
Sa loob ng 30 araw o sa paghahain ng aplikasyon sa pagiging kasapi, kinakailangang maisumite ng isang kasapi ang mga sumusunod na dokumento:
- Marriage Contract
- Birth Certificates ng kasapi, asawa at legal na anak na wala pang 21 taong gulang
- Membership Fee: Php 300.00. Ito ay isang beses lamang na babayaran ng isang kasapi at hindi maaring isauli (non-refundable) sa pagtiwalag sa ASKI MBA.
- Php 30.00 lingguhang kontribusyon.
Ang bayad-sapi at lingguhang kontribusyon ang pagkukunan ng puhunan ng ating MBA.
Lahat ng samahan ay dapat magkaroon ng sariling puhunan upang magampanan nito ang lahat ng pangakong benepisyo
Hanggang aktibong miyembro ng Samahan ng ASKI MBA.
Matapos ang tatlong (3) taon na patuloy na pagiging aktibong kasapi ng Samahan, ang isang kasapi na titiwalag o magre-resign sa Samahan ay makatatanggap ng limampung bahagdan (50%) ng lahat ng kanyang naibigay na kontribusyon sa Life Insurance subalit bawasin ang lahat ng benepisyong nakuha na.
- Ito ay nagsisimula sa pagbabayad ng unang lingguhang kontribusyon (Php.30.00) at ang aplikasyon sa pagiging kasapi ay pinagtibay ng lupon.
- Kung mapagtibay at maging ganap na ang pagiging kasapi ng isang aplikante, bibigyan siya ng Sertipikong ng Pagiging Kasapi kung saan nakatala ang benepisyo ng isang kasapi at petsa nang magkabisa ito.
Hindi kailanman pinahihintulutan ng samahan ang paglilipat ng pagmamay-ari ng Sertipiko ng Pagiging Kasapi.
- Sa pagkamatay o tatal at permanenteng pagiging baldado (TPD) ng kasapi.
- Pagtiwalag/pag-alis sa ASKI MBA. Sa pagkatapos ng palugit (grace period) at hindi nakapagbayad.
- Paglalabas (withdrawal) ng balanse ng naihulog na kontribusyon (equity value).
- Kung ang isang kasapi ay itiniwalag ng ASKI MBA ng may dahilan.
- Pasapit ng edad 66 ng kasapi.
Kung wala pang nakatalagang Board of Awards at MBA Coordinator, ang mga kawani ng ASKI MBA ang magsasagawa ng mga pagsusuri at pagbabayad ng mga benepisyo sa tulong ng mga kawani ng sangay ng ASKI. Gamitin lamang ang ASKI MBA Form No. 06A, sa pagbabayad ng benepisyo.
- Magbayad ng kontribusyon
- Humikayat ng iba na sumapi sa samahan
- Tangkilikin ang mga produkto ng ASKI at ASKI MBA.
- Magbigay ng mga suhestyon/kumento upang higit na mapaganda ang pagpapatakbo ng samahan.
- Tumulong sa ikagaganda ng pamamahala ng samahan.
- Tumulong at bantayan ang pondo ng samahan sa balaking abusuhin ng ilang miyembro o taga-pamahala nito. (“Police their own ranks”.)
|